Magic pinaso ang Heat
MIAMI - Bumangon ang Orlando Magic sa isang 24-point deficit sa first half upang talunin ang Miami Heat, 99-96.
Nagsalpak ang Magic ng 18 sunod na basket sa fourth quarter bago pinigil ang paglapit ng Heat sa dulo ng laro.
Umiskor ang Orlando ng 48 points mula sa three-point range at nakahugot ng team-high 24 points mula kay Jason Richardson upang makadikit sa liderato sa Southeast Division.
Pinangunahan ni LeBron James ang Miami, nagtayo ng malaking 53-45 abante sa halftime, sa kanyang 29 points kasunod ang 28 ni Dwyane Wade.
Sa Salt Lake City, binalewala ni Aaron Afflalo ang pananakit ng kanyang bukong-bukong at umiskor ito ng 19 puntos, kabilang ang 3-pointer may 11.4 segundo ang nalalabi sa laro at tulungan ang Denver Nuggets na itakas ang 103-101 panalo laban sa Jazz.
Tumapos naman si Ty Lawson ng 22 puntos at nagdagdag sina Nene at Chris Andersen ng tig-13 puntos upang ibigay sa Nuggets ang kanilang ikalimang panalo matapos ang anim na laro.
- Latest
- Trending