MANILA, Philippines - Nakatakdang buksan ang Developmental League ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Marso 12 sa The Arena sa San Juan na tinatampukan ng kabuuang 13 koponan na hinati sa dalawang grupo.
Ang Group A ay binubuo ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), Freego Jeans, RnW Pacific Pipes, Black Water Elite, Pharex Naproxen Sodium at PC Gilmore, habang nasa Group B naman ang Maynilad Water, Junior Powerade Tigers, Max Bond Super Glue Sumos, Cobra Energy Drink Ironmen, Café France at FCA.
“This is a short tournament so every game counts. Obviously, the format adds up to the excitement,” ani PBA commissioner Chito Salud sa D-League tournament na tatawaging PBA D-League Foundation Cup.
Ang 13 koponan ay dadaan sa isang single round robin eliminations. Sa pagkakaroon lamang ng anim na tropa sa Group A, ang bawat isa rito ay maglalaro ng extra game.
Ang dalawang mangungulelat na koponan sa Group B ay maglalaro sa knockout game para sa huling playoff spot.
Ang top two teams ng bawat grupo makaraan ang elimination round ay makakakuha ng outright passage sa second round ng playoffs, samantalang ang third hanggang sixth placed teams sa Groups A at B.