^

PSN Palaro

Valenzona balik San Sebastian Stags

- ATan -

MANILA, Philippines - Ibinalik ng San Sebastian College ang coach na naghatid sa kanila ng apat na titulo.

Si Arturo Valenzona ang hinugot ng Stags bilang kanilang head coach sa 87th NCAA season at siyang totokahan na ibalik ang dating kinang ng koponan.

Pumasok si Valenzona bilang kahalili ni Renato “Ato” Agustin na tinanggap ang alok ng San Miguel Beer upang maging head coach.

Dalawang taon hinawakan ni Agustin ang Baste at napagkampeon niya ito sa kanyang unang taon noong 85th season.

Sa edad na 68, si Valenzona ay lalabas na pinakamatandang coach pero si­yang may pinakamara­ming titulong napanalunan sa apat na nakuha mula 1993 hanggang 1996.

Ang huling taon niya sa Baste ay nagresulta sa sweep ng koponan bago siya hinalinhinan ni Arturo Cristobal sa sumunod na taon.

“Ilang buwan din ka­ming naghanap ng tao at may mga pinagpilian pero lumabas na karapat-dapat si Valenzona na maupo uli bilang head coach,” wi­ka ni Frank Gusi na San Sebastian athletic director.

Ang malawak na karanasan at championship ex­perience nito ang isa sa mabigat na ikinonsi­de­ra para mapabalik sa ko­ponan.

Tatangkain ni Valenzo­na na pigilan ang tangkang pagsalo sa kanya bilang winningest coach ng pinakamatandang liga sa bansa nina Frankie Lim ng San Beda at Louie Alas ng Letran.   

Si Lim ay nagkampeon noong 2007, 2008 at 2010 at sa huling taon ay naka­ga­wa ng kasaysayan sa pamamagitan ng 18-game winning streak.

Si Alas ay naghari naman sa liga noong 1998, 2003 at 2005.

AGUSTIN

ARTURO CRISTOBAL

FRANK GUSI

FRANKIE LIM

LOUIE ALAS

SAN BEDA

SAN MIGUEL BEER

SAN SEBASTIAN

SHY

VALENZONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with