^

PSN Palaro

Kiam­co all around champion

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines -  Natalo si Warren Kiam­co kay Canadian John Morra sa dalawang laro para sa kampeonato ng 18th US Annual Bar Table 8-Ball division na pinaglabanan sa Sands Regency Hotel sa Reno, Nevada sa USA kahapon.

 May twice to beat ad­vantage si Kiamco sa labanan dahil pumasok siya sa hot seat mula sa winner’s bracket habang si Morra ay nanalo sa loser’s bracket.

Pero mas mainit ang ipi­n­akita ni Morra para kunin ang 5-4 at 5-2 panalo at tanghaling kampeon sa dibisyon.

Ngunit hindi naman ito nangahulugan na masama ang kinalabasan ng makailang ulit na SEA Games champion dahil siya ang hinirang bilang All-Around champion ng torneo.

Kampeon si Kiamco sa 9-Ball at tumapos sa unang anim na puwesto sa 10-Ball para madomina ang kompetisyon. 

Dahil dito ay nakuha rin ni Kiamco ang karag­da­gang $2,000 upang isama sa $4,650 panalo sa 9-Ball at $3,000 sa 8-Ball tungo sa kabuuang $9,650 prem­yo.

Ito ang ikalawang pagkakataon na hinirang si Kiam­co bilang US Bar Table Event All Around Champion matapos mapa­nalunan ito noong 2007.

Siya rin ang lalabas na ikatlong Filipino cue ar­tist na nakitaan ng galing laban sa mga dayuhan sa kompetisyon sa labas ng bansa matapos nina Alex Pagulayan at Dennis Orcollo.

 Si Pagulayan ay nanalo sa Derby City Classic Banks Division bukod pa sa Jay Swanson Memorial at 18th US Annual Bar 10-Ball habang si Orcollo ay naghari sa World 8-Ball Championship sa Fujairah UAE.    

“Ang paghirang kay Warren bilang All Around champion matapos ang panalo ni Dennis sa World 8-Ball ay patunay sa ma­taas na estado ng bilyarista ng bansa kung pagalingan sa mga dayuhan ang pag-uusapan,” papuri naman ni Jonathan Sy ng Negros Billiards Stable (NBS) na sumusuporta sa kampanya ni Kiamco.

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

ALL AROUND

ANNUAL BAR

ANNUAL BAR TABLE

BALL

BALL CHAMPIONSHIP

BAR TABLE EVENT ALL AROUND CHAMPION

KIAMCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with