Spurs inihatid ni Parker sa panalo, Wizards pinagulong
WASHINGTON - Isang araw matapos malasap ang kanilang pinakamasamang offensive performance ng season, bumawi naman ang San Antonio Spurs para sa isang panalo.
Humugot si Tony Par-ker ng 10 sa kanyang 18 points sa loob ng dalawang minuto sa first quarter para ihatid ang San Antonio sa 118-94 paggiba sa Wa-shington Wizards.
Nagmula ang Spurs sa 71-77 kabiguan sa Philadelphia.
“You know, sometimes I don’t even try to understand basketball,” sabi ni Parker. “It’s weird.”
Ang 10-point run ni Parker ay mula sa mga fast breaks, kasama rito ang tatlong steals na nagresulta sa kanyang layups.
Ito ay bahagi ng isang 12-0 run na nagbigay sa San Antonio ng isang 16-point lead at hindi na nilingon pa ng Spurs ang Wizards.
Nagtala ang San Antonio ng isang 41-point lead sa third quarter.
Nagdagdag si George Hill ng 18 points at may 4-for-4 sa 3-point line para sa San Antonio, tinalo ang Washington sa pang 10 sunod na pagkakataon.
Tumipa si Gary Neal ng 16 points para sa Spurs
Sa iba pang laro, nanalo ang Charlotte sa Atlanta, 88-86; hiniya ng Philadelphia ang Minnesota, 107-87; pinayuko ng Chicago Bulls ang New Orleans, 97-88 at naungusan ng Indiana ang Milwaukee, 103-97.
- Latest
- Trending