Kaya kong patulugin si Pacquiao - Mosley
LAS VEGAS--Sinabi ni Shane Mosley na ang ipinagkaiba niya sa iba pang fighters na kagaya nina Antonio Margarito at Miguel Cotto ay may sapat siyang lakas para mapatulog ang kanyang kalaban.
Katuald ng muntik na niyang gawin kay Floyd Mayweather noong Mayo nang makakonekta siya ng isang right cross sa second round, at halos bumagsak ang huli.
Ngunit sa huli, natalo si Mosley kay Mayweather via unanimous decision.
Umaasa siyang ito rin ang kanyang magagawa laban kay Manny Pacquiao sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“It doesn’t necessarily mean that I’m going for it (knockout),” sabi ni Mosley sa ilang Filipino scribes sa Beverly Hills Hotel sa kanilang photo shoot ni Pacquiao.
Kamakalawa ay sinabi ni Mosley sa media na hindi niya patatagalin ang kanilang upakan ni Pacquiao.
“I’m just stating that because of the type of punching power that I have. It’s not the power like Margarito or Cotto that needs to build up steam and then pretty soon knock the guys out,” sabi ng 39-anyos na tubong California.
“I can hit the guy once and he can go to the ground. That’s what I meant by that,” dagdag pa nito.
Ngunit madali ang magsalita laban kay Pacquiao.
Hindi pa natatalo ang ‘reigning pound-for-pound champion’ sa kanyang huling 13 laban sa loob ng limang taon.
“I know Pacquiao is a great fighter. He’s a warrior inside the ring, and it can go either way. But I really have the punching power that can end it quick,” wiika ni Mosley.
Dalawang buwan magsasanay si Mosley sa Big Bear Camp simula sa Marso 7.
Sinabi niyang sa Big Bear siya nagsanay sa kanyang mga laban sapul noong 1995.
“I’ll have two months,” ani Mosley.
“I think that will be great. I’m doing good. I usually do eight weeks because I’m always in pretty good shape. I’m not the type of fighter that gets bloated and needs an extra week to lose weight.
“I’m at exactly 160 now. I don’t worry about my weight. I’m a happy person. I’m an active person. I work out and play basketball and snowboard,” wika pa niya.
Hindi naman nakaalis si Pacquiao sa Los Angeles nang mabigong makasakay sa kanyang private jet patungo sa Sin City.
“Manny said we leave at midnight,” ani Canadian adviser Michael Koncz.
- Latest
- Trending