Cone naaalala si Simpson kay Williams
MANILA, Philippines - Kung may natatandaan man si Alaska coach Tim Cone kay Larry Demetrius ‘L.D.’ Williams, ito ay si Diamon Simpson.
“LD is like a young Diamon Simpson because he also came straight out of college,” paghahambing ni Cone kina Williams at Simpson, tumulong sa Aces sa paghahari sa nakaraang PBA Fiesta Conference kontra San Miguel Beermen. “LD is a little unique because he’s a tremendous leaper, which is something we look for.”
Ang dating Wake Forest University standout ay tumipa ng 22 points para sa 103-79 panalo ng Alaska sa Air21 sa kanilang tuneup game para sa paghahanda sa darating na 2010-2011 PBA Commissioner’s Cup.
Si Williams, naglaro para sa Springfield Armored sa NBA Developmental League, ang siyang pumalit sa orihinal na hinugot ng Aces na si Eddie Basden, hindi nakapasa sa height limit ng Commissioner’s Cup.
Aminado ang 22-anyos na si Williams na hindi pa niya gamay ang ‘triangle’ ni Cone. “But my teammates are helping me. Coach Tim also patient with me and I’m picking up a little bit,” sabi ni Williams.
- Latest
- Trending