So nakipag-draw sa Brazilian champion

MOSCOW, Russia - Nakipaghati sa puntos si Fi­lipino GM Wesley So kay GM Alexander Fier ng Brazil sa pagbubukas ng 2011 Aeroflot Open chess championships dito sa Hotel Gamma-Delta.

Ang naturang draw sa pagitan ni So at ng lower-rated na si Fier ay nangyari matapos ang 21 moves ng Catalan.

Nakatakdang harapin ng 15th-seeded na si So, may ELO 2673, si GM An­­ton Shomoev ng Russia (ELO 2557) sa second round.

Tumipa naman ng pa­nalo sina Filipino campaig­ners GM John Paul Gomez, GM Darwin Laylo, IM Ri­chard Bitoon at IM Oliver Dimakiling sa Group B, ang mga players na may ELO 2299 hanggang 2550).

Tinalo ni Gomez si GM Arseny Alavkin ng Russia, habang binigo ni Laylo si IM Anatoly Kremenietsky ng Russia at iginupo ni Bitoon si WIM Viktoriya Ta­rasova ng Russia at pinayukod ni Dimakiling si Antoine Be­rube ng Canada.

Si Moscow Open runner-up IM Oliver Barbosa ay nakipag-draw naman kay Roman Oganisin ng Russia. Sa Group C, natalo si reigning national junior champion Paulo Bersa­mina kay David Shahinyan ng Armenia.

Show comments