MANILA, Philippines - Tinalo ni six-time world champion Paeng Nepomuceno si Jeff Carabeo sa kanilang best-of-three finals para angkinin ang 5th Henrich Cup Bowling Masters at iposte ang kanyang pang 122nd career victory sa Playdium Center sa Araneta Avenue.
Nagpagulong ang kaliweteng si Nepomuceno, ang tanging four-time winner ng World Cup, ng 236-167 at 256-220 sa finals matapos sumegunda sa 10-game eliminations sa kanyang 2386 sa lines of 299, 224, 193-237, 235, 267, 269, 197, 228 at 237.
“It was a tough match all the way,” sambit ni Nepomuceno, dinala ang koponan ng Nutrilite/Amway.
Ibinulsa ng legendary bowler ang top prize na P100,000.
Binigo ni Nepomuceno si Jong Enriquez, 213-192, para sa title shot laban kay Carabeo, ang top elimination finisher sa kanyang 2397, matapos kunin ni Enriquez ang first match sa kanyang 237 laban kina Benshir Layoso (189) at Alex Ngoi Jr. (178).