^

PSN Palaro

Patrombon may tsansang makasama sa RP Davis Cup Team

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Payag si Jeson Patrombon na makipagsanay sa mga kasapi ng Philippine Da­vis Cup team na maghahanda sa laro nila laban sa Japan sa pagsisimula ng Asia-Oceania Zone Group I first round tie na gagawin sa Plantation Bay Resort and SPA sa Cebu.

Nagkausap sina Philta vice president at Philippine Davis Cup administrator Randy Villanueva at coach Manny Tecson at tinanggap ng huli ang alok kay Pa­trombon na sumama sa Cebu para makipag-en­sayo sa Davis Cuppers.

Sina Fil-Am Cecil Mamiit at Treat Conrad Huey bukod pa sa mga locals na sina Johnny Arcilla at El­bert Anasta ang mga ninombra para bumuo sa koponang magsisikap na daigin ang Japanese team sa torneong gagawin mula Marso 4 hanggang 6.

Masaya naman si Villa­nueva sa pagtanggap ni Pa­trombon sa kanilang alok lalo nga’t balak din ng Philta na ilagay ang pambatong juniors player ng bansa sa Davis Cup team.

“Kahit may nominated players na tayo ay puwede pa tayong magpalit at puwedeng maisama pa si Jeson sa team,” wika ni Villanueva.

Habang ang pagsasa­nay ay gagawin sa Plantation Bay clay court, magpa-practice din si Patrombon sa hard court dahil naka­takda rin siyang sumabak sa mga ITF tournaments sa bandang Marso.

Ang Davis Cup team at si Patrombon ay lilipad na patungong Cebu sa Pebrero 21 tatlong araw matapos ang pagdating nina Mamiit at Huey.

Ang Japanese team naman ay darating ng bansa sa Pebrero 26 para makapagsanay pa.

vuukle comment

ANG DAVIS CUP

ANG JAPANESE

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP I

CEBU

DAVIS CUP

DAVIS CUPPERS

JESON PATROMBON

JOHNNY ARCILLA

MANNY TECSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with