^

PSN Palaro

Pacquiao-Mosley fight bumenta agad ng 16,000 tiket

- Angeline Tan -

MANILA, Philippines -  May init ang laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Sugar Shane Mosley.

Base sa resulta ng unang bugso sa bentahan ng tiket para sa labang itinakda sa Mayo 7 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, lumabas na umabot sa 16,000 ang nabentang tiket sa loob lamang ng tatlong oras.

Ang bilang ng nabentang tiket ay nangyari lamang sa loob ng tatlong oras at maituturing na isa ito sa pinakamaraming nabili sa loob ng ganitong oras sa kasaysayan ng boxing sa Las Vegas.

Dahil nga rito ay halos 1000 tiket na lamang ang naiwan kaya’t hindi maitayo ni Top Rank Promoter Bob Arum ang labis na kasiyahan sa pangyayari.

“It’s amazing,” wika ni Arum sa Boxingtalk. “I knew this fight will do extremely well and would ultimately sell out. But this is like a feeding frenzy.”

Marami ang nagsasabing hindi maganda ang la­bang ito na kung saan idedepensa ni Pacquiao ang ha­wak na WBO welterweight title.

Ipinupunto ng mga kritiko na may edad na si Mosley at lamang na lamang si Pacquiao kahit ang laban ay gagawin sa 147-pound limit.

Pero iba ang sinasabi ng resulta sa ticket sales at igi­niit uli ni Arum na tunay na tatauhin ang laban dahil si Pacquiao ang nakasalang dito.

Inaasahan niyang mas lalaki pa ang kikitain ng unang laban na ito ng pambansang kamao ngayong ang CBS at hindi ang HBO ang magpapalabas nito sa Pay Per View.

BOXINGTALK

DAHIL

GRAND ARENA

INAASAHAN

LAS VEGAS

PACQUIAO

PAY PER VIEW

SUGAR SHANE MOSLEY

TOP RANK PROMOTER BOB ARUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with