MANILA, Philippines - Taliwas sa naunang mga ulat, magbabalik ang Philippine Basketball League (PBL) sa Pebrero tampok ang anim na koponan.
Ang mga kalahok sa torneo na nakatakda sa Pebrero 26 ay ang mga dating miyembrong Pharex, Agri Nurture Inc. (ANI), Excelroof, ang huling nagkampeon sa liga tampok ang mga San Sebastian Stags, at Cobra kasama ang mga baguhang Hobe Bihon at Cafe France.
“We’re answering to the clamor to revive the PBL,” ani PBL chairman Ding Camua. “We recognize the need to bring the league back. We know there should be a middle league where the collegiate players can develop their skills further before turning pro.”
Ang rookie draft ay sa Pebrero 5 at bukas sa mga college at amateurs players na isinilang noong 1984.
Nakatakda ang deadline sa Pebrero 2.