^

PSN Palaro

Sol Mercado, Jay-R Reyes tanggap na ang paglipat sa ibang PBA teams

- Ni RC -

MANILA, Philippines –  Bagamat mabigat ang kalooban na iwanan ang Rain or Shine, kailangan pa rin nina pointguard Sol Meracdo at center Jay-R Reyes na kumilos bilang mga professional basketball player.

Ito ang sinabi kahapon ng kanilang agent/player na si Charlie Dy matapos dalhin ng Asian Coating franchise sina Mercado at Reyes sa Me­ralco at Air21, ayon sa pag­kakasunod, mula sa isang three-team trade.

“I always tell them they should have to be professional about it kasi part talaga ‘yan ng basketball eh, iyong ma-trade ka, minsan kampante ka na sa team mo na doon ka na forever pero there’s no such thing as permanent kapag basketball player ka,” ani Dy.

Bilang kapalit ni Mercado, nakasagutan na ni da­ting Elasto Painters’ coach Caloy Garcia, makukuha nila mula sa Express sina Ronjay Buenafe at Ronnie Matias.

Ipinalit naman ng Rain or Shine, hahawakan ni dating Air21 mentor Yeng Guiao, si Paolo Bugia para kay Beau Belga ng Meralco.

 Sangkot rin sa trade sina Eric Rodriguez ng Air21 at Reed Juntilla ng Meralco.

Makakasama ni Mercado sa Bolts ni Ryan Gregorio sina Rodriguez at Juntilla.

Makukuha ng Elasto Painters ang 2011 at 2013 first-round picks ng Express ni Bong Ramos.

ASIAN COATING

BEAU BELGA

BONG RAMOS

CALOY GARCIA

CHARLIE DY

ELASTO PAINTERS

ERIC RODRIGUEZ

JAY-R REYES

MERALCO

MERCADO

PAOLO BUGIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with