^

PSN Palaro

Wozniacki umusad sa 3rd round

-

MELBOURNE, Australia - Umusad si Caroline Woz­niacki sa third round ng Australian Open matapos ilista ang 6-1, 6-0 panalo laban sa American na si Vania King nitong Miyerkules.

Hindi man lamang kinakitaan ng pagkataranta ang 20-anyos Danish player sa 58-minutong paglalaro, kan­yang binasag ang serbisyo ng 88th-ranked na si King upang tapusin ito at umentra sa third round sa kanyang 13th sunod na Grand Slam tournament.

Hindi pa siya nananalo sa major, pero hawak niya ang No. 1 rank simula pa noong October at mapapanatili niya ito kung siya ay papasok sa semifinals dito.

Sa iba pang laro, ipinagpatuloy naman ni Justine He­nin ang kanyang pagbabalik mula sa injury sa bisa ng 6-1, 6-3 panalo laban kay Elena Battacha ng Britain.

Tinalo rin ni Svetlana Kuznetsova ang Dutch qualifier na si Arantxa Rus, 6-1, 6-4 at nanaig ang No. 8 na si Victoria Azarenka kay Andrea Hlavackova, 6-4, 6-4.

ANDREA HLAVACKOVA

ARANTXA RUS

AUSTRALIAN OPEN

CAROLINE WOZ

ELENA BATTACHA

GRAND SLAM

JUSTINE HE

SVETLANA KUZNETSOVA

VANIA KING

VICTORIA AZARENKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with