Patrombon talsik na sa Loy Yang Traralgon netfest

MANILA, Philippines - Matapos manalo sa first round, natalo naman si Jeson Patrombon kay Shyla Yaraslau ng Belarus, 4-6, 1-6, sa Loy Yang Traralgon International sa Australia.

Ang kabiguan ang nagpatalsik rin sa No. 12-ranked sa juniors doubles sa tinamong 2-6, 1-6 kabi­guan nila ni Jaden Grinter ng New Zealand kina Adam Pavlasek at Lukas Vrnak ng Czech Republic.

Si Patrombon ay nagmula sa mahabang pamamahinga dulot ng foot injury na nagresulta sa isang surgery noong Disyembre.

Sumali si Patrombon sa consolation round kung saan makakalaro ni­ya ang mga tenistang ma­agang namahinga sa kompetis­yon bilang tune-up patungo sa Australian Juniors sa Melbourne mula Enero 23-29.

Hindi tulad noong 2010 na kung saan ma­halaga ang bawat panalong ma­ku­kuha sa mga juniors events, ang asam ngayon ni Patrombon ay mapag­husay ang laro.

Show comments