^

PSN Palaro

Homecourt advantage sasamantalahin ng Pinoy vs Japan

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines –  Hanggat kayang samantalahin ang ‘homecourt advantage’ ay gagawin ito ng Philippine Lawn Tennis Association (Philta).

Upang mapagabal ang laro ng Japan laban sa Philippine team, pinili ng Phil­ta ang indoor clay court ng five-star Plantation Bay Resorts sa Mactan, Cebu.

“Bawian naman natin sila. This time around they will be playing in our homecourt, and we really have a big chance since gagawin natin ito sa Cebu,” sabi ni Philta administrator Randy Villanueva.

Maghaharap ang mga Pinoy at Japanese netters para sa Davis Cup World Group 1 tie sa Marso 4-6 kung saan hawak ng Japan ang 17-9 rekord sa kanilang head-to-head match ng RP Team sa kanilang 26 na pag­haharap sa Davis Cup.

Tinalo ng Japan ang Philippines, 5-0, sa Osaka sa kanilang huling pagta­tagpo sa David Cup World Group tie.

Huling nanalo ang Nationals sa Japan 15 taon na ang nakararaan sa Maynila sa isang shell court.

Kung mananalo ang mga Pinoy sa mga Japanese ay makakalaban nila ang mananaig sa pagitan ng Australia-Chinese-Taipei tie na nakatakda sa Mayo 7-9. Sakaling magtagum­pay, aabante ang Nationals sa World Group na huling nangyari noong 1991.

CEBU

DAVID CUP WORLD GROUP

DAVIS CUP

DAVIS CUP WORLD GROUP

PHILIPPINE LAWN TENNIS ASSOCIATION

PHILTA

PINOY

PLANTATION BAY RESORTS

RANDY VILLANUEVA

WORLD GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with