^

PSN Palaro

Pacquiao WBC boxer of the decade

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Pitong titulo sa magka­kaibang dibisyon at 13 dikit-dikit na panalo ang mga na­iukit ni Manny Pacquiao mula 2001 hanggang 2010 sa mundo ng propesyonal na boksing na sapat ng da­hilan para kilalanin siya bilang Boxer of the Decade ng World Boxing Council (WBC).

Sina Oscar De La Hoya, Floyd Mayweather, Erik Mo­rales, Vitali Klitschko at Ponsaklek Wonjongkam ang mga itinapat sa mga na­gawa ni Pacquiao sa nagdaang 10 taon pero lu­mabas na milya-milya ang layo ng mga naabot na karangalan ni Pacman para makuha ang pa­rangal sa prestihiyosong orga­nisas­yon sa hanay ng mga boxing bodies.

Sa mga nakalaban nga ni Pacquiao sa parangal, ang maalamat na sina De La Hoya at Morales ay ka­sama sa kanyang mga pinataob nang manalo ito ng 13 sunod mula Marso 19, 2005.

Sa nasabing petsa na­la­sap ni Pacquiao ang ikatlong kabiguan lamang sa kanyang career na nangyari sa unang pagtutuos nila ni Morales na nauwi sa unanimous decision.

Pero lubus-lubusan ang pagbawi na ginawa ng pambato ng bansa dahil kumubra ng 10th round TKO at 3rd round KO si Pacquiao sa sumunod na pagtutuos na naganap noong Enero at Nobyembre ng taong 2006 para ipakitang kaya niya si Morales.

Tumabla rin kay Pacquiao sina Agapito Sanchez at Juan Manuel Marquez pero ang huli ay binawian din nito sa pamamagitan ng split decision panalo noong Marso 15, 2008.

Ang panalo ay nagresul­ta upang maagaw din ni Pac­man ang hawak na WBC super featherweight title ni Marquez na isa sa pi­tong world titles na napa­na­lunan ni Pacquiao sa nag­daang dekada.

Ang iba pang lehitimong titulo na tinanganan ng Pambansang kamao ay sa IBF super bantamweight title laban kay Lehlohonolo Ledwaba, WBC lightweight laban kay David Diaz, IBO light welterweight laban kay Ricky Hatton, WBO welterweight laban kay Miguel Cotto at WBC light middleweight laban kay Antonio Margarito.

Tinalo rin ni Pacquiao si Marco Antonio Barrera para maibulsa rin ang Ring Magazine’s featherweight title.

Sa 10 taong nagdaan, si Pacquiao ay sumabak sa 25 laban at nanalo ng 22, natalo ng isa at tumabla ng dalawang beses. Sa mga panalong kinuha, 17 dito ang natulog o nagretiro bago ang takdang laban at kasama nga sa dumanas ng ganitong kabiguan ay sina De La Hoya, Cotto, Hatton, Diaz at Barrera.

Ang WBC Boxer of the Decade ay nakamit ni Pacquiao matapos gawaran na siyang Fighter of the De­cade mula 2000 hanggang 2009 ng Boxing Wri­ters Association of America (BWAA, HBO, The Sweet Science at Philippine Sportwriters’ Association (PSA) noong nakaraang taon.

Si Sergio Martinez ay kinilala naman bilang Boxer of the Year nang talunin ang mga mahuhusay na sina Kelly Pavlik at Paul Williams.

Sa kanya rin napunta ang KO of the Year matapos mapatulog si Williams habang ang iba pang kinilala ay sina Vitali Klitschko bilang Exemplary World Champion of the Year, Julio Cesar Chavez Jr. bilang Hope and Revelation of the Year, at ang mga laban nina Jean Pascal at Bernard Hopkins at Fernando Montiel vs Hozumi Hasegawa bilang Fight of the Year at Most Dramatic Fight of the Year, ayon sa pagkakasunod.

AGAPITO SANCHEZ

ANTONIO MARGARITO

ASSOCIATION OF AMERICA

BOXER OF THE DECADE

DE LA HOYA

LABAN

PACQUIAO

SHY

VITALI KLITSCHKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with