^

PSN Palaro

Tatalon pa si Torres

- Ni (Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Matapos ang masinsinang usapan, nagdesisyon si Marestella Torres na isantabi na ang planong pagreretiro upang mapalakas ang athletics team na lalahok sa 26th Southeast Asian Games as Palembang, Indonesia.

Ayon sa pangulo ng PATAFA na si Go Teng Kok, na­i­saayos na niya ang problema ni Torres bago pa nag­bakasyon ang mga atleta na nangyari matapos silang magkausap.

 “Sinabi ko sa kanya na kaya pa niyang bumangon at kailangan pa siya ng bansa. Pumayag naman siya at pumirma na sa kontrata bilang isa sa 12 atleta na kasama sa IOC Solidarity Program,” wika ni Go.

Nagbalak si Torres na lisapin na ang koponan matapos mabigo sa hangaring makapaghatid ng medalya sa idinaos na 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa paboritong long jump event.

Limang sunod na foul ang ginawa ni Torres matapos ang 6.49m marka sa unang lundag dahilan upang malagay lamang siya sa ikaapat na puwesto.

Tumabla si Torres kay Yuliya Tarasova ng Uzbekistan sa nasabing marka pero ang huli ang nakakuha ng bronze medal dahil ang ikalawang best jump nito ay nasa 6.42 meters.

Si Torres na gold medalist sa Laos SEA Games, ay ipinatala ng PATAFA kasama ni men’s long jumper Henry Dagmil sa IOC Solidarity Program na kung saan sila ay mabibigyan ng tulong pinansyal ng IOC habang naghahanda para sa mga qualifying events sa 2012 London Olympics.

Ang pagbabalik ni Torres ay nangyari matapos bawiin din ni bowler Engelberto “Biboy” Rivera na magretiro rin matapos manalo ng gintong medalya sa singles event sa 16th Asian Games.

Sa pagbalik ni Torres, lumaki uli ang tsansa ng PATAFA na mapanatili kungdi ay mahigitan pa ang pitong gintong medalya na napanalunan sa Laos sa Indonesia SEA Games na gagawin mula Nobyembre 11 hanggang 25.

Sina hammer thrower Arniel Ferrera, javelin thro-wers Danilo Fresnido at Rosie Villarito, steeplechaser Rene Herrera at marathoners Eduardo Buenavista at Jho-An Banayag ang iba pang sumungkit ng ginto sa 2007 SEAG.

Isang pagpupulong ang gagawin ng PATAFA sa linggong ito upang ilatag ang plano para sa isang ma-ta­gumpay na 2011.

vuukle comment

ARNIEL FERRERA

ASIAN GAMES

DANILO FRESNIDO

EDUARDO BUENAVISTA

GO TENG KOK

HENRY DAGMIL

JHO-AN BANAYAG

LONDON OLYMPICS

SOLIDARITY PROGRAM

TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with