^

PSN Palaro

Lugar para sa 2013 ABG pinaplantsa na ng POC, PSC

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nais ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco Jr. na maisaayos na ang lugar na ma­aaring pagdausan ng 2013 Asian Beach Games ngayong buwan ng Enero.

Kasalukuyang nagtutulong ang POC at Philippine Sports Commission (PSC) sa paghahanap ng posib­leng lugar na puwedeng pagdausan ng nasabing kom­petisyon at sinisipat ng mga ahensya sa palakasan ang mga lugar ng Cebu, Siargao, Surigao del Norte, Bohol Dumaguete, Camarines Norte at Subic dahil sa magagandang beach na matatagpuan dito.

Kailangang matukoy na ang pagdarausan ng laro da­hil kailangan ding lumagda ang mga local officials na may sakop ng mapipiling venue.

Matapos ito ay tutungo si Cojuangco kay Pangulong Benigno Aquino III upang pormal na makuha ang kanyang basbas na opisyal na tinatanggap ng Pilipinas ang hosting na ipaaabot naman sa Olympic Council of Asia (OCA).

“As much as possible ay dapat na matapos na ang ilang problema sa buwan ng Enero para makapagsi­mula na tayo ng paghahanda ng maaga,” wika ni Co­juangco.

Wala namang nakikitang problema si PSC chairman Ricardo Garcia sa pagtukoy ng lugar na puwedeng pagdausan dahil tunay na magaganda ang beaches ng bansa kumpara nga sa ibang bansang nagtaguyod ng ABG.

Idinagdag pa ni Garcia na magandang oportunidad din ito para sa Pilipinas na maipakita sa ibang Asian countries ang ipinagmamalalaking magagandang tanawin sa ibang lugar para lumawig ang turismo sa bansa.

“Ang kailangan lamang sa mapipiling venue ay ang kakayahan nilang tumayo bilang punong-abala sa hu­migit-kumulang na 4000 bisita. Malaking bagay itong ABG dahil maipapakita din ng Pilipinas ang kakayahang magdaos ng malaking kompetisyon sa bansa,” dagdag pa ni Garcia.

Ang ABG ay idinadaos tuwing dalawang taon at unang edisyon noong 2008 ay sa Indonesia habang nitong 2010 ay isinagawa sa Muscat Oman.

ASIAN BEACH GAMES

BOHOL DUMAGUETE

CAMARINES NORTE

ENERO

GARCIA

JOSE COJUANGCO JR.

MUSCAT OMAN

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with