^

PSN Palaro

P.5M insentibo ni Tatang De Vega ginagawa na

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang pagbibigay ng karangalan ng nasirang si dating natio­nal coach Francisco “Tatang” De Vega sa Pilipinas katuwang ang kanyang anak na si Lydia De Vega-Mercado.

Si De Vega ay nama­alam na sa edad na 83- an­yos dala ng matagal ng karamdaman noong Linggo.

Susuklian naman ang kanyang ibinigay na kara­ngalan sa bansa sa Asian Games dahil ipinoproseso na ang tsekeng nagkakaha­laga ng P437,500 ng PAGCOR.

Makukuha ng pamil­yang naiwan ni Tatang ang nasabing halaga mula sa pinagsamang dalawang ginto at isang pilak na ibi­ni­gay ni De Vega-Mercado nang naglaro ito sa 1982 New Delhi at 1986 Seoul Asian Games.

Base sa RA 9064 o In­centives Act, halagang P250,000 ang gantimpalang ibibigay kay Tatang nang nanalo ng ginto si De Vega-Mercado sa 100m dash sa New Delhi.

Pero dahil katuwang niya si Claro Pellosis nang hinawakan ang anak nang tumakbo ito sa 1986 Seoul at nanalo ng isang ginto sa 100m at pilak sa 200m kung kaya’t maghahati sila sa pabuya na magka­kahalaga ng P125,000 at P62,500 ayon sa pagkakasunod.

Tatanggap din ang na­ulilang pamilya nito ng P30,000 death benefits na nakasaad din sa Incentives Act.

Lumiham na ang PSC sa PAGCOR para mabigyan ng pabuya si Tatang at tatlong iba pang natio­nal coaches matapos serti­pikahan ni Lydia ang ama bi­lang kanyang coach sa da­lawang Asian Games na bineripika din ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA).

ASIAN GAMES

CLARO PELLOSIS

DE VEGA

DE VEGA-MERCADO

INCENTIVES ACT

LYDIA DE VEGA-MERCADO

NEW DELHI

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

SHY

TATANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with