^

PSN Palaro

Imbestigasyon sa malamyang performance ng Pinoy riders sa Asiad, isusulong ni Congressman Ty

-

MANILA,Philippines - Isang pagdinig sa ka­sa­l­ukuyang kalagayan ng cycling sa bansa ang isinulong ni Partylist Congressman Arnel Ty.

Sa pamamagitan ng kan­yang House Resolution No. 766 na ipinasok sa House Committee on Youth And Sports, nais ni Ty na magsagawa ng pag­dinig sa kung bakit hin­di nagkaroon ng magandang resulta ang kampan­ya ng Pilipinas sa cycling sa idinaos na 2010 Asian Games sa Guangzhou Chi­na.

Hindi na bago kay Ty ang laro ng cycling dahil nang hindi pa nauupo bi­lang kinatawan ng LPG Mar­keter’s Association (LP­GMA) ay kilalang suporter ito sa cycling at nagpa­pa­laro pa nga kasama ang pagdaos ng LPGMA-Li­quigaz Tour noong nakaraang taon.

Naniniwala si Ty na may malalim na problema ang cycling ng bansa kaya’t hin­di ito nagkaroon ng medal­ya sa Asian Games.

Ipinunto nito na ang Pi­lipinas ay isang pu­wersa sa mga nakalipas na Southeast Asian Games dahil umani ng kabuuang walong ginto, walong pilak at siyam na bronze medals ang ipinadalang siklista sa 2003, 2005 at 2007 SEA Games.

Pero sa 2009 Laos SEAG ay hindi nakasali ang Pilipinas nang hindi pa­laruin ang ipinadalang koponan dahil sa kawalan ng UCI license.

Ugat ito ng pag-a­awa­yan ng dalawang grupo sa cycling na kinapapalooban ng ICFP at ng Philcycling na pinamumunuan ni Abraham “Bambol” Tolentino na may basbas ng international cycling body na UCI.

Bagamat palaban ang Pambansang siklista sa SEA Games, iba naman ang kalidad sa Asian Games at ang huling me­dal­yang napanalunan sa tuwing kada apat na taong kompetisyon ay nangyari sa 1998 edisyon sa Bangkok, Thailand na ibinigay ni Victor Espiritu.

ASIAN GAMES

CYCLING

GUANGZHOU CHI

HOUSE COMMITTEE

HOUSE RESOLUTION NO

PARTYLIST CONGRESSMAN ARNEL TY

PILIPINAS

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with