Slingers giba sa Patriots, pasok sa semis

MANILA, Philippines - Naghatid ng double-dou­ble output si Gabe Free­man ngunit kinaila­ngan pa rin ng Philippine Patriots ang tikas ng mga lo­cals para maitala ang 80-73 tagumpay sa Singa­pore Slingers sa AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Season II kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pa­sig City.

Sina Egay Billones, Chito Jaime at JP Alcaraz ay hindi sumablay sa hu­ling anim na free throws ng Patriots sa huling 43 segundo upang mapawi ng koponan ang pagkawala ng 14 puntos kalamangan sa pagbubukas ng ikaapat na yugto.

Ang panalo ay kumumpleto sa 3-0 sweep ng Pa­triots sa Slingers sa ka­nilang head to head sa eli­mination at itinaas ang karta sa 8-4 upang masundan ang Chang Thailand Slammers sa semifinals.

May 17 puntos at 10 re­bounds si Freeman at 12 rito ay ginawa sa second half ngunit naniniwala si coach Louie Alas na may ilalabas pa ang balik-import.

“Kita mo pa ang pagka-rusty niya lalo na sa shoo­ting. Pero alam kong may maganda pa siyang ila­laro,” wika ni Alas na ha­ngad na maigiya uli ang koponang pag-aari nina Dr. Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco sa ikalawang su­nod na titulo.

“Overall ay hindi ako na­siyahan sa ipinakita na­ming laro dahil wala iyong killer instinct. Lumamang na kami ng malaki pero nakabalik pa sila at ito ay hindi dapat mangyari lalo na papasok na sa mahalagang yugto ang labanan,” dagdag pa ni Alas.

Pinakamalaking kala­mangan sa laro ay ang 64-51 sa huling yugto na nakuha ng Patriots sa mag­kasunod na tres nina Freeman at Jonathan Fernandez.

Ngunit nagtulong sina Marcus Skinner at Leo Ave­nido upang matapya­san pa ang nasabing kalamangan. Ang tres nga ni Avenido sa huling 43 se­gundo ang naglapit sa ko­ponan sa limang puntos, 69-74, pero hindi na nakadikit pa ang Slingers dahil sa mga free throws ng mga local cagers.

Si Billones ang nanguna sa Patriots sa kanyang 21 puntos habang si Steve Thomas ay nag-ambag pa ng 12 puntos, 14 rebounds at 3 blocks.

May 19 puntos at 10 rebounds si Skinner habang si Avenido ay tumapos ng 15 puntos upang panguna­hang ang apat na starters na may doble pigura sa Sli­ngers na nalaglag pa rin sa 5-7 karta.

PHL PATRIOTS 80 - Billo­nes 21, Freeman 17, Thomas 12, Fernandez 9, Jaime 6, Alcaraz 5, Salangsang 4, Yba­ñez 4, Cabatu 2, Sta Cruz 0, Llagas 0.

SINGAPORE 73 - Skinner 19, Avenido 15, Jeffers 13, Vergara 10, Wei Long 8, Pathman 8, Oh 0, Ng Bin 0.

Quarterscores: 22-16; 39-37; 58-51; 80-73.

Show comments