Paglalaro ng mga Fil-foreign players pag-aralan ng ManCom, hiling ng NCAA
MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng NCAA Policy Board sa Management Committee na pag-aralan pa ang isyu tungkol sa paglalaro ng mga foreign players sa collegiate basketball league.
“At a special meeting of the NCAA Policy Board held last Dec. 3 at the ELJ Towers in Quezon City, the Policy Board reiterated its previous decision arrived at during the Nov. 12 PolicyBoard for the Management Committee to thoroughly study the issue regarding foreign players before a final decision is made,” sabi ni board chairman Fr. Anthony Morillo, OAR, ng host San Sebastian sa isang statement.
“Accordingly, the Policy Board instructed the NCAA Management Committee to submit its views at its next meeting,” dagdag pa nito.
Ilang NCAA teams ang patuloy na nagpaparada ng mga foreign cagers, isa na rito ang nagkampeong San Beda na ibinandera si 6-foot7 American Sudan Daniel.
Itinampok naman ng Jose Rizal sina Cameroonians John Nchoty Njei at Joe Etame, habang pinaglaro ng Emilio Aguinaldo College si Malaysian-Chinese Wei Lim.
Bagamat pinapayagan ng NCAA ang paglalaro ng mga foreign players sa anumang athletic team, nakaagaw naman ng pansin si 6’9 Nigerian Sam Ekwe na gumiya sa Red Lions sa NCAA three-peat mula 2006 hanggang 2008.
May plano rin ang iba pang NCAA members na kumuha ng foreign players.
“We’re now doing that,” sabi ni Management Committee chairman Frank Gusi ng San Sebastian sa kanilang pag-aaral sa naturang isyu.
- Latest
- Trending