^

PSN Palaro

2-0 sweep pangako ni Palanog vs Bulls

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Hindi hahayaan ng Manila Sharks na makawala pa ang momentum sa idinadaos na Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VII Finals nila ng Batangas Bulls.

Ipinagdiinan ng team manager ng koponang su-portado ng Harbour Centre na si Jhoel Palanog na ta­tapusin nila ang best-of- three series sa Game Two na gagawin sa Disyembre 18 sa Rizal Memorial Baseball Field.

“Gaya ng sinabi ko, gagawin namin ang lahat para hindi maulit ang nangyari sa amin sa laban sa Cebu na inabot ng Game Three. Ibubuhos namin ang lahat para ma-sweep ang series at maging magandang regalo sa aming sponsor,” wika ni Palanog.

Kinuha ng nagdedepensang kampeon na Sharks ang 8-2 panalo sa dating two-time champion na Bulls noong Sabado.

Lumabas ang husay ng kaliweteng pitcher Jon Jon Robles nang bigyan lamang ng anim na kalat-kalat na hits ang Bulls tungo sa dalawang runs. May 10 strikeouts din ito upang hindi masayang ang pagtitiwalang ibinigay sa kanya sa walong inning na pagpukol.

Humalili sa ninth inning si Charlie Labrador at iniretiro ang tatlong Bulls batters na nakaharap.

 May 10 hits naman ang Sharks sa tatlong pitchers na ginamit ng Batangas at sina Francis Candela, Marvin Malig at Saxon Oman­dac ay bumanat ng tig-dalawang hits.

Iniskoran nga nila ng tatlong runs sa unang dalawang innings ang starter na si Vladimir Eguia bago tinapos ang labanan sa pamamagitan ng apat na runs para katampukan ang husay sa laro na pambawi rin ng koponan matapos ang 9-3 kabiguan sa elimination round.

 “Hindi na namin magagamit si Robles sa Game two kaya sasandal kami kay Charlie. Kung kakailanganin ay gagamitin din namin si Roy Baclay. Gagawa kami ng mga adjustments para matapos na ang series,” wika pa ni Palanog.

BATANGAS BULLS

CHARLIE LABRADOR

DONUTS BASEBALL PHILIPPINES SERIES

FRANCIS CANDELA

GAME THREE

GAME TWO

HARBOUR CENTRE

JON JON ROBLES

PALANOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with