^

PSN Palaro

SSC-R Stags Run 2011 itinakda sa Jan. 16

-

MANILA, Philippines - Isang patakbo na naglalayong makakalap ng pon­do para itulong sa mga ma­hihirap ang planong ga­win ng San Sebastian College-Recoletos sa susu­nod na taon.

Tatawaging SSC-R Stags Run 2011, ang isang araw na patakbo ay balak pagkuhanan ng humigit-kumulang na P1 milyong pon­do para gamitin sa ka­­nilang mga missionary at charity work na hindi lamang sa bansa kungdi sa ibang bansa na kung saan tumutulong ang Order of Augustinian Recollects (OAR).

“This is not just a race that will promote healthy lifestyles but also to raise funds for our missionary work and charity programs. We also want to generate funds to give scholarships to deserving but less fortunate students,” wika ni Fr. Leander Barrot, OAR, at VP ng Academics sa paglulunsad ng patakbo sa Makati City kahapon.

Nakasama ni Fr. Barrot si Fr. Leonardo Pauligue, OAR, na VP for Administra­tion bukod pa ng ilang athleta ng Stags.

Ang patakbo ay isasagawa sa Enero 16 sa Mall Of Asia (MOA) sa Pasay City at katatampukan ito ng aksyon sa 10k, 5k at 3k distansya. Ang mga nagbabalak na sumali ay magbabayad ng registration fee na P500 na kapapalooban na ng race bib at singlet. 

ADMINISTRA

LEANDER BARROT

LEONARDO PAULIGUE

MAKATI CITY

MALL OF ASIA

ORDER OF AUGUSTINIAN RECOLLECTS

PASAY CITY

R STAGS RUN

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with