^

PSN Palaro

Pacquiao kandidato uli

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang Pambansang kamao Manny Pacquiao na mapanalunan sa ika­lawang sunod na taon ang United States Sports Academy Male Athlete of the Year.

Ito’y matapos maihanay uli si Pacquiao bilang isa sa 12 kandidato para paranga­lan sa taong 2010.

Naihanay uli si Pacquiao matapos ang dominan­teng panalo laban kina Jo­shua Clottey at Antonio Margarito sa dalawang la­ban na hinarap sa taong ito na parehong ginanap sa Cowboy’s Stadium sa Arlington, Texas.

Ang panalo kay Margarito ay tuluyang nagselyo sa kahusayan ni Pacquiao dahil bukod sa mas malaki ang Mexican fighter, ang pinaglabanan ng dalawa ay ang bakanteng WBC junior middleweight title.

Si Pacquiao na natata­nging Asyano sa talaan, ang nanalo ng nasabing ka­rangalan noong nakaraang taon matapos magkamit ng dalawang titulo.

Ang atletang nasa tala­an ay hihiranging Athlete of the Year kapag siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto mula sa mga lalahok gamit ang website na http://ussa.edu/ballots/athlete-of-the-year <http://ussa.edu/ballots/athlete-of-the-year> .

Maliban kay Pacquiao, ang mga nasa talaan sa ka­lalakihan ay sina Drew Brees na isang professio­nal football player, basketball player Kobe Bryant, trackster Ashton Eaton, Roy Halladay ng baseball, Jimmie Johnson ng auto racing, Phil Mickleson ng golf, Rafael Nadal ng tennis, Cameron Newton na isang college football player, Kenyan runner David Rudisha, David Villa ng spain sa larong soccer at Shaun White sa larong snowboarding/skateboar­ding.

Ang pagboto ay tatanggapin hanggang Disyembre 24 upang madetermina kung sino ang lalabas na Athletes of the Year ng 20­10.

Noong nakaraang taon, umabot sa 1.9 milyon vo­ters ang lumahok para piliin ang male at female Athletes of the Year at si Pacquiao ay nanaig laban sa mga tini­tingala ring sports icons ng mundo na sina Roger Federer ng tennis at Jamaican sprinter Usain Bolt.

Nanalo naman sa kaba­baihan ang pole vaulter na si Yelena Isinbaeva ng Russia at tinalo nito ang mga nakaribal na sina Mexican golfer Lorena Ochoa at Kenyan runner Linet Masai.

Si Kim Clijsters at Se­rena Williams ng tennis, golfer Cristie Keer at mga Asian athletes na sina Li Ping ng China sa weightlif­ting at Kim Yu-na ng Korea sa figure skating ang mga kasali naman sa talaan sa 12 kababaihan.

ANTONIO MARGARITO

ASHTON EATON

ATHLETE OF THE YEAR

ATHLETES OF THE YEAR

CAMERON NEWTON

CRISTIE KEER

DAVID RUDISHA

DAVID VILLA

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with