^

PSN Palaro

Francisco bagong world champion, nalo kay Kokietgym via 10th round KO

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines – Pinagbayad ni Drian Francisco ang maduming paglaban ni Duanpetch Ko­kietgym ng Thailand nang iuwi nito ang tenth round knockout panalo sa labang ginanap nitong Martes sa Bueng Kan School, Bueng Kan, Nong Khai, Thailand.

Tatlong beses ngang hu­malik sa lona ang pambato ng host country at ang huli ay nangyari sa tenth round sa isang matinding right hook at uppercut.

Hindi pa nga nagkakamalay ay binitbit gamit ang stretcher si Kokietgym ng inilabas ng ring at agad na dinala sa ospital.

Ito ang ika-20 panalo sa 21 laban ni Francisco at naiangat niya ang KOs record sa 16. May isang tabla rin si Francisco na nangyari noon pang 2007.

Unang tagumpay din ito ng 28-anyos na si Francisco sa labas ng bansa at higit dito, binitbit din niya ang interim WBA World super flyweight title.

Ililinya rin si Francisco, na tinaguriang “Gintong Kamao” dala ng lakas sa magkabilang kamao, ang sarili bilang mandato­ry chall­enger sa dibisyon at maaaring mapalaban kay WBA champion Hugo Caza­res ng Mexico saka­ling manalo ito sa gaga­wing title defense laban kay Hiroyuki Hisataka ng Japan sa Disyembre 23.

Ikalawang kabiguan naman ito sa 55 laban ni Ko­kietgym na nagpakawala ng ilang mga low blows sa hangaring talunin ang Fili­pino boxer.

Ang illegal punch sa sixth round ay nagresulta upang mabawasan si Ko­kietgym ng puntos.

Nasaktan man, bumawi si Francisco sa pamamagitan ng left hook para bumu­lagta ang kalaban. Buma­ngon uli ang Thai boxer pero tumumba uli sa isang right hook.

Masuwerte lamang ito at tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang round para maalpasan ang round.

Tila nakabawi naman ng lakas si Kokietgym sa pangyayari nang sabayan uli si Francisco sa sumunod na tatlong round.

Pero hindi maiaalis ang panalo kay Francisco nang matiyempuhan uli si Kokietgym ng matinding suntok upang tuluyang matapos ang laban.

Hindi man makapaniwala ang mga local boxing fans, pinalakpakan naman nila si Francisco na nanalo ng malinis laban sa kalaban na marumi kung lumaban. 

BUENG KAN

BUENG KAN SCHOOL

DRIAN FRANCISCO

DUANPETCH KO

FRANCISCO

GINTONG KAMAO

HIROYUKI HISATAKA

HUGO CAZA

KOKIETGYM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with