^

PSN Palaro

3 gold, 4 silver 9 bronze sa TEAM PHL: 'Goodbye China, see you in Korea'

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines -Tunay na magiging makasaysayan ang 16th Asian Games na opisyal na nagtapos kahapon sa Guangzhou, China.

Ang host China ang lumabas na run-away overall champions nang dominahin nila ang higit na nakarara-ming laban para hindi masayang ang pagtayo bilang pu­nong-abala ng torneo.

Pormal na isinara kahapon ang kompetisyong nagsi­mula noon pang Nobyembre 12 na ginawa sa Pearl Ri­ver sa Haixinsha Island.

 Tampok na kaganapan sa closing ceremony ang pagsasalin ng pamamahala sa South Korea na siyang ma­g­iging host sa 17th Asian Games.

Umabot sa 42 sports at 467 events ang idinaos sa edisyong ito at lalabas na ito na pinakamalaking Asian Games na isinagawa sa kasaysayan ng tuwing ikaapat na taong kompetisyon na nagsimula noong 1950.

Gumugol ang China ng 122.6 billion yen ($17 billion) para sa pagpapatayo ng mga pasilidad bukod pa sa gas­tos sa kabuuang ng kompetisyon.

Sulit naman ang lahat dahil bukod sa dinumog ito ng tao para makapagpasok din ng kita, malinaw din ang do­minasyon ng manlalaro ng China sa kinolektang 198 ginto, 119 pilak at 98 bronze medals

Ang South Korea naman ang pumangalawa sa me­dal tally at tiyak na sisikapin nilang higitan ang naitala sa paglipat ng palaro sa 2014. 

Sa Incheon gagawin ang 17th Asiad at papalo lamang sa 35 ang sports disciplines na lalaruin. Sa bilang na ito, 28 ay mga larong nasa Olympics habang ang na­lalabing pito ay para sa mga non-Olympics sport.

Nagdesisyon ang Olympic Council of Asia (OCA) na ganito ang ipairal upang makabawas din sa gastusin ng host bukod pa sa pagtitiyak na makakatulong sa pag-un­lad ng atleta ang paglahok sa Asian Games bilang paghahanda rin nila sa mas malaking Olympics.

Ang Pilipinas naman na naglahok ng 188 manlalaro ay kumulekta ng tatlong ginto, apat na pilak at siyam na bronze medals na kapos sa naunang target na 4-6-9 medalya na napanalunan sa Doha Qatar noong 2006.

Si marathoner Eduardo Buenavista ang huling manlalaro ng bansa na sumabak sa aksyon at tumapos siya sa pang-17th puwesto sa 22 na tumakbo sa mahinang 2:45:07 tiyempo.

Nauna pa kay Buenavista si Yahuza Yahuza ng In­donesia na nalagay sa ika-12 puwesto sa 2:35:01 ti­yempo. Ang ginto ay napunta sa Korea sa katauhan ni Ji Youngjun sa 2:11:11 oras.

ANG PILIPINAS

ANG SOUTH KOREA

ASIAN GAMES

DOHA QATAR

EDUARDO BUENAVISTA

HAIXINSHA ISLAND

JI YOUNGJUN

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

SA INCHEON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with