GUANGZHOU--Lalong mahihirapan ang Smart Gilas Pilipinas na makuha ang isang silya sa quarterfinal round ng 16th Asian Games basketball competition.
Ito ay matapos talunin ng Qatar ang Japan, 88-87, patungo sa Last 8 sa kabila ng 78-57 pananaig ng Smart Gilas sa India.
Ang panalo ng Qataris, ang silver medalists sa 2006 Asiad sa Doha, ang nagtakda sa knockout match ng Nationals at Chinese-Taipei sa pagsasara ng preliminary round kagabi.
Kung mananalo ang Taiwanese sa RP Team na magtatabla sa kanilang baraha sa 2-3, makukuha ng una ang last berth sa quarters via winner-over-the-other rule.
“We have no other recourse but to beat Chinese-Taipei. It will be a tough game since Chinese-Taipei is a quality team. They battled and lost close games to Japan, Qatar and Iran,” sabi ni Smart Gilas coach Rajko Toroman.
“They’re a bit undersized but they’re a great shooting team. They defend well with the zone. We have to stop their open shots and attack their zone,” dagdag pa nito.
Ang inaalala ni Toroman ay ang health problem ng koponan.
“Japeth Aguilar and Sol Mercado are out and, now, Chris Tiu and Marcio Lassiter are also hurting both with a groin injury. Despite limited options (in my rotation), I hope we can survive. There will be lots of possibilities if we make the quarters,” ani Toroman.
Nauna nang tinalo ng Qataris ang Taiwanese, 72-70, noong Biyernes bago talunin ang Japanese.
Makukuha ng Qatar ang top seeding kung matatalo nila ang Iran.