Sharks, Bulls may tiket na sa semis

MANILA, Philippines –  Kumulekta ng dalawang panalo ang Batangas habang nanaig din ang Manila upang maipagpatuloy ang pagsasalo sa liderato sa Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VII kaha­pon sa dalawang magkahiwalay na palaruan.

Ang Bulls ay naglaro sa Rizal Memorial Baseball Field at dinurog nila ang ba­gitong Quezon City, 7-0, sa unang laro bago isinunod ang Cebu, 7-5.

Ang laro nila ng Cebu ay dapat naidaos noon pang Nobyembre 13 pero natigil ito at ipinagpatuloy kahapon dahil nagtabla pa rin ang dalawa sa 4-all matapos ang 14th inning.

Sa 16th inning nagka­talo nang nagtala ng apat na hits at tatlong runs ang Bulls na kinatampukan ng two-run single ni Jose Mi­guel San Juan upang m­abasag ang tablang is­kor.

Hindi naman nagpahuli ang nagdedepensang Manila na hindi pinaporma ang host Taguig, 8-0, sa larong ginawa sa Felino Marcelino Memorial Field sa Taguig.

May 3-0 ang Sharks at Bulls upang makatiyak na ng puwesto sa semis.

Show comments