^

PSN Palaro

Congressional Award of Distinction, ibibigay ng Kongreso kay Pacquiao

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sa kanyang pagbabalik sa trabaho sa Kongreso, bi­bigyan si Sarangani Rep. Manny Pacquiao ng “Congressional Award of Distinction” ng kanyang mga kap­wa mambabatas.

Matapos talunin ang mas malaking si Antonio Mar­garito ng Mexico via unanimous decision noong Linggo sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas, kabuuang 11 House Resolutions na ang naisumite para bigyan ng parangal ang Filipino world eight-division champion.  

Dalawa hanggang tatlong beses ring tumayo ang 31-anyos na si Pacquiao sa Kongreso para sa kanyang privilege speech.

At ito naman ay hinaha­ngaan ni House Speaker Fe­liciano ‘Sonny’ Belmon­te.

“Manny comes from Sarangani. And Sarangani is a province dependent on agriculute and fishing. Marami ring mahihirap doon,” ani Belmonte. “And Manny made this his personal crusade to try to improve their lives there. And I’m sure he can achieve it dahil popular siya, may pera siya, may authority siya. He’s a congressman now.”

Nakatakdang duma­ting si Pacquiao ngayong umaga mula sa Los Angeles, California.

Samantala, hiniling naman ng kanyang inang si Mommy Dionisia na tulu­yan nang iwanan ang pagboboksing.

 “Hiling ko lang sa kanya, pagretiro sa boxing,” ani Mommy Dionisia sa pa­nayam ng ABS-CBN News sa kanyang pagdating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport. “Kung ako ang mag-decide, kung ako ang papiliin gusto ko mag-retire ang anak ko.”

Sa kalagitnaan ng laban ni Pacquiao kay Margarito, hinimatay si Mommy Dionisia at agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital sa Dallas.

ANTONIO MAR

CONGRESSIONAL AWARD OF DISTINCTION

COWBOYS STADIUM

HOUSE RESOLUTIONS

HOUSE SPEAKER FE

KONGRESO

LOS ANGELES

MOMMY DIONISIA

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with