GUANGZHOU - Umaasa ang Philippines na magkaroon ng magandang pagtatapos sa paglahok nina Olympian Mark Javier at Delfin Anthony Adriano sa Asian Games archery events sa Aoti archery range ngayon.
Ayon kay Javier, ranked 209th sa FITA world ranking at tumapos ng ikaanim sa team competition noong 2006 at nabigong umusad sa first round ng Beijing Olympics, na handa na siyang tabunan ang kanyang nakakadismayang performance sa Beijing kung saan tangka niyang miangat ang nasabing pagtatapos dito.
Makikipagsabayan naman ang walang ranggong si Adriano sa mga Olympic at world champions na muling nagsama-sama sa Guangzhou.
Tangka ng Korea ang kanilang ikawalong sunod na gintong medalya sa men’s event na tatagal hanggang Nov. 24 kung saan 114 koponan ang maglalaban-laban para sa ginto sa men’s at women’s individual at team events.
Sa men’s competition, puntirya ng world No. 1 na si IM Dong hyun ng Korea, ang pinakabatang lalaking Olympic archery champion, ang kanyang ikalawang sunod na gold medal.
Kabilang din si IM sa men’s gold medal winner noong 2006 Doha Asian Games at 2008 Olympic Games kasama ang 28-anyos na si Lee Chang hwan, na nagwagi ng men’s individual event noong 2009.
Ang bawat kalahok ay aasinta ng 144 arrows sa apat na distansyang 90m, 70m, 50m at 30m para sa lalaki at 70-60-50-30m sa babae na may tig-36 arrows ang bawat isa.