Pacman aminadong nasaktan din

HOLLYWOOD--Hindi itinago ni Manny Pacquiao na nasaktan siya sa ka­­nilang laban ni Antonio Margarito.

Sa loob ng chartered Boeing 757, ipinakita ni Pacquiao ang ilan niyang su­­gat at pasa.

“Nasaktan din. Napagod,” sabi ng isa niyang close friend na hindi humiwalay hang­gang alas-5 ng madaling-araw sa kanyang Gaylord Texan Hotel suite ilang oras matapos labanan si Margarito.

Pinanood ni Pacquiao ang fight tape hanggang sa sumilip na ang araw.

Namamaga ang kanyang mga mata, may pasa ang kanyang mukha.

Inireklamo rin niya ang sakit sa kanyang ribcage.

“The marks on his face will be gone in a couple days, but the pain in his body will be there a little longer,” wika ng isang Filipino doctor na kasama sa grupo.

Hindi na uminom ng gamot si Pac­quiao kumpara kay Margarito na nakatakdang sumailalim sa isang surgery bukas sa Texas para sa kanyang fractured right eye socket.

“It’s really hard to fight a big opponent, bigger than me. I gave it my best. And I can’t believe that I beat someone this big, this strong,” sabi ni Pacquiao.

“It was a hard fight, the hardest in my career. He was tough and strong. I felt it. He was really bigger than me. But I want to make the people happy. That’s why sometimes I fought him toe to toe and exchanged punches with him,” dagdag pa nito.

Nasaktan rin ang ina ni Pacquiao na si Mommy Dionisia.

Hinimatay si Mommy Dionisia sa kanyang ringside seat sa kasagsagan ng laban at kaagad na isinugod sa pinakamalapit na ospital. 

Show comments