Knicks silat sa Timberwolves
MINNEAPOLIS--Humakot si Kevin Love ng franchise-record 31 rebounds at may 31 points--ang unang 30-30 game sa NBA matapos ang 28 taon--para ibangon ang Minnesota Timberwolves mula sa isang 21-point, third-quarter deficit at gitlain ang New York Knicks, 112-103.
Kinolekta ni Love ang 15 boards sa third quarter upang akayin ang Timberwolves sa tagumpay.
Si Moses Malone ang huling player na naglista ng 30-30 galing sa kanyang 38 points at 32 rebounds para sa Houston kontra Seattle noong 1982.
Sa Atlanta, bumawi ang Utah buhat sa isang double-digit deficit sa ikaapat na sunod na pagkakataon para talunin ang Atlanta, 90-86.
Kinuha ng hawks ang 74-63 lamang sa pagsisimula ng fourth period bago ang isang 15-4 run ng Jazz para itabla ang laro kasunod ang jumper ni Paul Millsap sa huling 1:20 ng laro para ilagay sa unahan ang Utah.
Ito ang pang apat na sunod na kabiguan ng Atlanta matapos magtala ng 6-0 baraha.
Sa Orlando, winakasan ng Toronto ang isang six-game losing skid matapos talunin ang Orlando, 110-106.
Nagsalpak si Sonny Weems ng isang 3-pointer sa huling 7.1 seconds para sa Raptors.
- Latest
- Trending