^

PSN Palaro

Beermen babawi mula sa kabiguan; 3rd straight win asam ng Llamados

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hangad ng mga Beermen na makabalik sa porma matapos mapigil ang kanilang five-game winning streak, habang puntirya naman ng Llamados ang kanilang ikatlong sunod na ratsada.

Sasagupain ng San Miguel ang Barako Bull ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang laban ng nagdedepensang Derby Ace at Powerade sa alas-7:30 ng gabi sa elimination round ng 2010-2011 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Nagwakas ang five-game winning run ng Beermen nang matalo sa Elasto Painters, 107-110, noong Nobyembre 7.

Magkasalo ngayon sa liderato ang San Miguel at Talk ‘N Text mula sa magkatulad nilang 6-2 rekord kasunod ang Barangay Ginebra (5-2), Rain or Shine (4-4), Derby Ace (3-5), Powerade (3-5), Meralco (3-5) at Barako Bull (2-5).

Nanggaling naman ang Energy Boosters sa 83-84 kabiguan sa Tropang Texters noong Linggo.

Sa ikalawang laro, target ng Llamados ang kanilang pangatlong dikit na arangkada matapos manggaling sa isang two-game losing skid.

Ayon kay guard PJ Simon, nagiging pamilyar na sila sa bagong sistema ni rookie coach Jorge Gallent.

“Lahat kami nakaka-adjust na, nakaka-adopt na sa sistema ni coach Jorge,” sabi ng 30-anyos na si Simon, naglista ng career-high 42 points sa 102-97 paggupo ng Derby Ace sa Air21 noong Miyerkules.

“Hopefully, tuluy-tuloy na ito lalo na sa opensa namin kasi talagang kulang na kulang kami sa tao,” dagdag pa ng tubong Makilala, North Cotabato.

Sina 6-foot-6 Kerby Raymundo, 6’5 Mark Pingris at 6’8 Rafi Reavis at patuloy na nagpapagaling ng kanilang mga injury.

Nanggaling naman ang Tigers sa isang 76-96 pagyukod sa Aces noong Miyerkules.

Bukod kay Simon, aasahan rin ng Derby Ace sina James Yap, Roger Yap at Rico Maierhofer katapat sina Gary David, Dennis Espino, Mark Macapagal at Ren-Ren-Ritualo, Jr. ng Powerade.  

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

DENNIS ESPINO

DERBY ACE

ELASTO PAINTERS

ENERGY BOOSTERS

POWERADE

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with