Papeles nina Mercado, Lutz at Figueroa aayusin
MANILA, Philippines - Ang problema sa akreditasyon nina basketball players Sol Mercado at Chris Lutz at taekwondo jin Jeffrey Figueroa ang siyang pilit na reresolbahan ng Philippine Olympic Committee (POC) sa nakatakdang delegation registration meeting ngayon sa Guangzhou, China.
“Definitely, iyon ang agenda ko sa pagdalo ko sa meeting,” sabi ni administrative chief Moying Martelino.
Sina Mercado, Lutz at Figueroa ay bahagi ng 188 national athletes na kakatawan sa bansa sa 16th Asian Games sa Guangzhou na nakatakda sa Nobyembre 12-27.
Ang Fil-Puerto Rican na si Mercado ang ikatlong PBA player na hiniram ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa Smart Gilas bukod kina Asi Taulava ng Meralco at Kelly Williams ng Talk ‘N Text.
- Latest
- Trending