So silat sa American GM
MANILA, Philippines - Di maganda ang panandaliang pamamahinga kay Filipino GM Wesley So nang matalo ito kay GM Alexander Onischuk ng US sa pagpapatuloy ng 2010 SPICE (Susan Polgar Institute for Chess Excellence) sa Texas Tech University sa Lubbock, Texas.
May rook at anim na pawns si So habang dalawang bishop at limang pawns naman si Onischuk pero lamang sa puwesto ang US chess master upang mapilitang mag-resign ang17-anyos na Pinoy player matapos ang 32 move ng Capablanca variation ng Nimzo-Indian defense.
Ang kabiguan ay nagresulta upang malaglag si So sa pagkakatabla sa ikatlo at ikaapat na puwesto kasama ang top sed na si GM Zoltan Almasi ng Hungary tangan ang walong putos sa dalawang panalo, dalawang tabla at dalawang talo.
Si GM George Meier ng Germany ay nanalo naman kay GM Ray Robson ng US upang lumayo pa sa pagkakatangan sa liderato sa anim na manlalaro, category 16 na torneo.
- Latest
- Trending