TNT sososyo sa liderato, 4 na dikit naman sa Kings

MANILA, Philippines - Sa itinalang average margin na 16.3 points sa ka­nilang ikatlong sunod na arangkada, inaasahan pa ni coach Jong Uichico na mas gaganda pa ang ila­­laro ng kanyang mga Gin Kings.

“Hopefully, we’re getting there. These games are good signs,” wika ni Uichico.

Puntirya ang kani­lang pang apat na dikit na arangkada, sasagupain ng Baran­gay Ginebra ang Air21 ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang sal­pukan ng Talk ‘N Text at nag­dedepensang Derby Ace sa alas-5 ng hapon sa elimination round ng PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Huling biniktima ng Gin Kings ang Elasto Pain­ters, 90-73, tampok ang 22 points, 5 assists at 4 rebounds ni two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller

Kasalukuyang tangan ng San Miguel ang liderato mula sa kanilang 6-1 rekord sa itaas ng Talk ‘N Text (5-1), Ginebra (4-2), Alaska (3-3), Air21 (3-3), Powerade (3-4), Rain or Shine (3-4), Barako Bull (2-4), Meralco (2-5) at Derby Ace (1-5).

Umiskor naman ang Express ni Yeng Guiao ng malaking 102-95 tagumpay kontra Tigers noong Miyerkules.

“For a young team like ours 3-3 is not bad. I think we’ll get better. We’re pretty much where we thought we would be,” wika ni Guiao, nakahugot ng personal conference-high 28 points kay Ronjay Buenafe, 11 rito ay kanyang ginawa sa fourth quarter para sa pagbangon ng Air21 mula sa isang 14-point deficit sa third period.

Sa unang laro, pakay na­man ng Tropang Texters na muling makasalo sa liderato ang Beermen sa pakikipagharap sa Llamados.  

Show comments