1,000 jins sasabak sa Smart Club, Gym tourney

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 1,000 atleta ang inaasahang magpapakita ng aksyon sa 2010 Smart National Gym and Club taekwondo championships sa November 6-7 sa Rizal memorial Coliseum.

“This is one of our biggest events because it will involve all affiliated gyms and clubs throughout Metro Manila and the provinces,” ani Philippine Taekwondo Association president Ro­bert Aventajado.

Ang mga kompetisyon ay gagawin sa anim na divisions under novice 1, novice 2 at advance. Ito ay seniors at juniors para sa lalaki at babaeng kalahok at grade school para sa boys and girls.

Ayon sa organizing com­mittee chairman na si Sung Chon Hong, idaraos ang nasabing event para sa pagpapalawig ng PTA sa kanilang commitment para sa development ng naturang sports at higit sa lahat ang patuloy nilang pagsuporta sa grassroots program ng gobyerno.

Inaanyayahan ang mga mahihilig sa martial arts, lalo na ang mga kabataan na interesadong matuto ng taekwondo na manood ng nasabing torneo na hatid ng Philippine Sports Commission, Smart Communications, PLDT, Adidas at Milo.

Magsisimula ang kompetisyon ganap na alas-9 ng umaga.

Show comments