^

PSN Palaro

6 gold sa RP tracksters

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mabunga ang gina­wang paglahok ng Pilipinas sa 2010 Malaysian Open Track and Field nang manalo ang anim ng inilaban ng tig-iisang gintong me­dalya na idinaos nitong Oktubre 30 at 31 sa Natio­nal Sports Council training track sa Bukit Jalil, Kuala Lumpur, Malaysia.

Sina SEA Games gold me­dalist at lalahok sa Guang­zhou Asian Games Henry Dagmil, Arniel Ferrera, Rene Herrera, Danilo Fresnido at Rosie Villarito ay nagdomina sa kani­lang mga events habang si Sheena Atilano ang kumumpleto sa perpektong pagpapakitang-gilas sa de­legasyong inilahok ng PATAFA at suportado ng Philippine Sports Commis­sion.

Ang long jumper na si Dagmil ay lumundag sa la­yong 7.34m, si Ferrera ay nagtala ng 57.47m sa hammer throw, si Herrera ay naorasan ng 9:00.53 sa 3000m steeplechase, si Fresnido ay bumato sa la­yong 63.87m sa men’s ja­velin habang may 48.79m naman si Villarito sa wo­men’s javelin.

Si Atilano na hindi ka­sama sa Asian Games ay nagtala naman ng bilis na 14.26 segundo para ma­domina ang 100m hurdles.

“Mabigat pa ang mga ka­tawan nila dahil hindi pa kami nagte-taper off sa training kaya malayo ito sa kanilang mga perso­nal best. Pero pagdating ng Asian Games ay mas maganda ang magagawa nila,” pagtitiyak ni national coach Joseph Sy na naka­sama si Nixon Mas sa de­legasyon.

Sa pagkakahablot ng anim na ginto, nakamit ng Pilipinas ang ikatlong puwesto sa overall medal tally buhat sa 14 kalahok.

Nanguna ang host Ma­laysia sa 12 ginto, 25 silver at 24 bronze medals habang ang Chinese Taipei ang pumangalawa sa 6 ginto, 1 silver at 4 bronze medals.

Ang Thailand, Saudi Ara­bia, Vietnam, United Arab Emirates, Sri Lanka, Hong Kong, Kazakhstan, Singapore, Morocco, Qatar at Iran ang kumumpleto sa mga lumahok sa dalawang araw na torneo.

Sina Marestella Torres na patok sa medalya sa Guangzhou, at Eduar­do Buenavista ay hindi na­kasama sa hanay ng mga maglalaro sa Asian Games dahil si Torres ay nag­papahinga sa tindi ng pagsasanay habang walang marathon ang inila­ro sa Malaysia.

ANG THAILAND

ARNIEL FERRERA

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES HENRY DAGMIL

BUKIT JALIL

CHINESE TAIPEI

DANILO FRESNIDO

HONG KONG

JOSEPH SY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with