^

PSN Palaro

Agustin vs. Gallent

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Dalawang bagong head coaches ang nagpugay sa 36th season ng Philippine Basketball Association na halos isang buwan nang nagsimula.

Masasabing malaking bilang na rin ito ng mga ba­gong head coaches. Kasi nga, hindi naman ganoon ka­bilis ang turnover ng coaches sa PBA. kadalasan, mga datihan na rin ang kinukuha ng mga teams dahil sa subok na ang kakayahan ng mga beterano. Parang ayaw nilang sumugal sa mga baguhan.

Subalit sa pagkakataong ito, ang San Miguel Corpo­ration ay sumugal sa dalawang bagong head coaches na nagsilbi din naman bilang mga “apprentices” sa ko­ponang kanilang hinahawakan ngayon.

Itinalaga ng San Miguel Beer bilang head coach si Renato Agustin samantalang ang bagong gumigiya sa nagtatanggol na kampeong B-Meg Derby Ace ay si George Gallent.

Si Agustin ay dating consultant ni Bethune “Siot” Tanquingcen na ngayo’y nalipat sa Barangay Ginebra bilang assistant coach ni Joseph Uichico. Si Gallent naman ay dating assistant coach ni Paul Ryan Gregorio na lumipat sa Meralco bilang head coach ng Bolts.

Mamayang gabi ay maghaharap ang dalawang bagong head coaches na ito sa salpukan ng Beermen at Llamados sa Araneta Coliseum.

Natural na kahit na nasa magkabilang dulo ng standings ang kanilang koponan, sisikapin ng dala­wang coaches na ito na ipakita sa kanilang mother cor­poration na nararapat nga silang italaga sa kanilang kasalukuyang puwesto.

Pero siyempre, dehado ang Llamados. Kasi nga’y hindi pa rin nila makakasama sina Kerby Raymundo, Marc Pingris at Rafi Reavis. Si Raymundo ay nagpa­opera sa Estados Unidos at baka sa susunod na conference na makabalik sa active duty. Sina Pingris at Reavis ay sinasabing sa kalagitnaan ng Nobyembre makapaglalaro.

Iisang panalo pa lang ang naitatala ng Llamados sa limang laro. Sa kabilang dako, apat na panalo naman ang nairehistro ng Beermen sa limang laro at katabla nga nila sa pangunguna ang Talk N Text.

Kumpleto ang line-up ng San Miguel at walang nasa injured list. Hindi ito tulad noong nakaraang season na halos hindi nila napakinabangan sina Danny Seigle, Da­nilo Ildefonso at Lordy Tugade.

So, masasabing angat ang Beermen sa Llamados. Isa pa’y mukhang “on a roll” si Agustin. Buhat kasing opisyal siyang umupo bilang head coach ng San Mi­guel ay hindi pa natatalo ang Beermen. Nakakatatlong panalo na si Agustin sa sindaming laro.

Pero gaya nga ng nabanggit natin, kahit paano’y iba ang rivalry na puwedeng mangyari kina Agustin at Gallent.

Kasi nga, kung ikukumpara sa isang pamilya iyan, makikitang ang bawat anak ay pilit na nagpapatalbugan sa harap ng kanilang magulang sa pag-asang mas mahalin sila. Hindi nga ba’t kadalasan ay may nag­tatanong ng ganito: “Sino mas mahal mo, mommy, si kuya o ako?”

*    *    *

CONGRATULATIONS kay Camille M. Malapitan na nahalal bilang SK Chairwoman ng Barangay Batis, San Juan City.

AGUSTIN

ARANETA COLISEUM

B-MEG DERBY ACE

BARANGAY BATIS

BEERMEN

KASI

LLAMADOS

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with