^

PSN Palaro

Amit pinigil ng Chinese star

-

MANILA, Philippines – Hindi umubra ang tak­tika ni Rubilen Amit ng Phi­lip­pines laban sa tikas ng Chinese Taipei star na si Chen Tsai Pei at nalasap ang kanyang unang kabi­guan sa pamamagitan ng 6-2 panalo ng huli sa pagpapatuloy ng World 10-Ball Championship sa Nuvo City Libis, Quezon City.

Binigyan ng 27-anyos na si Chen, ang reigning Chi­na 9-Ball Open champion, ang defending champion na si Amit ng mga ma­gagandang tira upang tapusin ang kanilang laban sa Group 1 taglay ang malinis na 5-0 win-loss slate.

At ang isa sa pinakama­ningning na tira ni Chen ay ng kanyang walisin ang limang sunod na racks na tinampukan ng tatlong dikit na combination mula sa 0-1 deficit tungo sa 5-1 pa­ngu­nguna.

 “She didn’t give me a chance,” dismayadong pahayag ni Amit na daraan sa knockout, round-of-24 bu­nga ng kanyang 4-1 kar­tada.

“When I got my chance, I couldn’t capitalize on it and blew it. She shot pretty well,” dagdag pa ni Amit, na nakipagtambal sa living legend na si Efren “Bata” Reyes at pagdomina noong nakaraang taong World Mixed Doubles Championship.

Ito rin ang ikalawang sunod na pananaig ni Chen kay Amit ngayong taon ma­tapos na igupo ang Pinay sa China Open.

BALL CHAMPIONSHIP

BALL OPEN

CHEN

CHEN TSAI PEI

CHINA OPEN

CHINESE TAIPEI

NUVO CITY LIBIS

QUEZON CITY

RUBILEN AMIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with