RP Team umiskor sa Singapore

MANILA, Philippines - Inilampaso ng RP Team ang Singapore, 101-34, sa pagsisimula ng 7th SEABA Women Championship kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

“Magandang morale booster ito para sa amin. Naipakita ng mga players ang kanilang killer’s instinct dahil kahit malaki na ang lamang ay nandoon pa rin sila at laban ng laban,” ani coach Haydee Ong.

Nagtala ng 19 points at 10 rebounds si Fatima To­lentino, habang nagtumpok si­na Merenciana Arayi, Ber­nadette Mercado at Cas­sey Tioseco ng pinagsamang 34 points.

Tinalo naman ng five-time champion Malaysia ang Indonesia, 84-60, sa isa pang laro.

Ang nagdedepensang Thailand ay lalaban sa Malaysia ngayong gabi.

Si Fil-Am Melissa Jacob ay may tatlong three-point shots para sa Nationals.

Ang limang koponan ay sasailalim sa single-round robin at ang mangungunang dalawang koponan ang magtatagisan sa one game finals.

Show comments