Biboy nakuntento sa bronze medal

TOULON, France - Humulagpos na kay dating World Masters champion Biboy Rivera ang pangarap na makuha ang kanyang unang World Cup.

Ito ay matapos matalo si Rivera kay Michael Schmidt ng Canada sa unang playoff match para makuntento sa bronze medal sa 46th QubicaAMF World Cup competition dito sa Bowling de Provence.

Winalis ni Schmidt si Rivera sa dalawang laro, 215-247 at 202-252, sa kanilang playoff match.

Matapos biguin si Rivera, iginupo naman ni Schmidt si top seeded Matt Miller ng England, 2-1 (205-246, 212-207, 224-188), sa finals para angkinin ang kanyang ikalawang World Cup matapos noong 2005 sa Slovenia.

Si Filipino legend Paeng Nepomuceno ang natatanging bowler na nagkampeon ng apat na beses sa World Cup.

Sinikwat naman ni Aumi Guerra ng Dominican Republic ang World Cup title nang talunin si No. 1 seed Gye Min-Young ng Korea, 2-1 (203-226, 202-196, 240-196), sa women’s finals.

Nauna nang pinayukod ni Guerra si Fiona Banks ng England, 2-0 (237-223, 246-188), sa unang stepladder match.       

Show comments