TOULON, France -- Pinalakas ni dating World Masters champion Biboy Rivera ang kanyang tsansa sa 46th Qubica AMF Bowling World Cup nang magposte ng 7038 pins matapos ang 32 games.
Si Rivera ay nasa ilalim ni Matt Miller ng England sa naturang 96-country field sa kanyang gross score na 7173 kasunod si Canadian Michael Schmidt (7074).
Magkikita sina Rivera at Schmidt sa unang best-of-two knockout match kung saan ang mananalo ang hahamon kay Miller para sa korona.
“I’m going to give it my best shot,” wika ni Rivera makaraan ang kanyang eight-game round robin match play. “It’s my dream to win the World Cup.”
Napatalsik naman si Filipina bet Apple Posadas matapos maging fifth-placer sa kanyang 6771 pins.
Inangkin nina Gye Min-Young ng Korea, Fiona Banks ng England at Aumi Guerra ng Dominican Republic ang top three slots patungo sa stepladder finals.
Si Gye, isang two-time Asian champion, ay kumolekta ng 7150 pins upang iwanan sina Banks (6865) at Guerra (6840).
Nasa ilalim nina Gye, Banks at Guerra sina American Carolyn Dorin-Ballard (6780), Posadas, Daphne Tan (6756) ng Singapore, Diana Zavjalova (6729) ng Latvia at Wendy Chai (6499) ng Malaysia.
Nabigo ring umabante sa top three sa men’s class si American John Szczerbinski mula sa kanyang 6899 sa ilalim ni Joonas Jahi (7008) ng Finland.
Nahulog sa ikaanim si Korean Park Jong-Woo (6896), German Achim Grabowski (6842) at Norwagian Mads Sandbaekken (6832).
Tanging si Filipino legend Paeng Nepomuceno ang nakapaghari sa World Cup ng apat na beses.