Blue Water Day Spa run bukas na

MANILA, Philippines - Isang star-studded na Blue Water Day Spa fun run ang pakakawalan bukas ng umaga tampok ang ilang celebrities at Brazilian models na makikisabay sa ha-los 5,000 partisipante sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Ang mga ito ay sina BWDS endorsers Sam Milby, Karylle, Mikaela Lagdameo-Martinez, Fabio Ide, Daniel Matsunaga, Boom Labrusca at running coach Rio dela Cruz. Ang event ay may 3k, 5k at 10k races.

Nakataya rin ang mga cash prizes sa footrace na inihahandog ng Blue Water Day Spa kung saan ang top three finishers sa 10k run ay tatanggap ng P5,000, P4,000 at P3,000, ayon sa pagkakasunod.

Ang magkakampeon sa 5k race ay makakakuha ng P3,000, habang P2,000 ang mapupunta sa second at 1,000 sa third placer.

Itatampok rin ang “Jazz Up Your Singlet” contest kung saan ang mapipiling best-designed singlets ay ipaparada sa catwalk matapos ang event na inorganisa ng Event King Corp.

Ang event ay itinataguyod rin ng Cath’s In Style Fine Jewelry, Canadian Manufacturing, Columbia Sportswear, Beach Hut, Holy Seat, Half Moon Asian Cafe, Monterey, Hungry Juan, Magnolia Chicken Station, Mines View Park Hotel, 55 Events Place at Spa Essentials.

Show comments