Deadline ngayon ng patalaan para sa Blue Water Spa fun run

MANILA, Philippines - Isang malaking bilang ng mga runners ang inaasahang matutunghayan sa Blue Water Day Spa fun run matapos ibaba sa P300 ang entry fee para sa lahat ng events, kasama na rito ang 3k, 5k at ang cen­terpiece 10k run.

Ang huling araw ng pagpapatala ay magsasara ngayong araw at ang kare­ra ay nakatakda sa Oktubre 17 sa SM Mall of Asiagrounds, ayon sa organi­zing Blue Water Day Spa at Event King Corp.

Ang registration ay makikita sa Timex outlets sa SM MOA at Glorietta, Rox sa Bonifacio High Street at Columbia sa Greenbelt 5, Rest Toe Run sa Gateway, Urban Luxe Facial Center and Spa sa Ayala Alabang at Blue Water Day Spa sa Makati, Ortigas, Eastwood, Tomas Morato at Capitol Hills. Ang online list-up ay mabubuksan sa www. BlueWaterDaySpaRun.com. at ang mga detalye ay sa e-mail secretariat@bluewaterdaysparun.com.

Show comments