^

PSN Palaro

Isang gold medal mula sa 44-man dragonboat team sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Isang gintong medalya ang maihahatid ng dragon­boat team sa darating na 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Ito ang pangakong bi­­ni­tiwan ni Phi­lippine Dragon Boat Federation(PDBF) pre­sident Marcia Cristobal kahapon.

Ibinase ni Cristobal ang mga tagumpay na nai­tatala ng national paddlers sa mga malalaking kompetisyong sinalihan nito.

Ang national men’s squad at mixed team ay ti­nanghal na world champions nang manalo sa idinaos na 9th IDBF World Dragon Boat Championships sa Prague, Czech Re­public noong 2009.

Itinala ng grupo ang ba­­gong world record time na 40.022 at 43.507 segundo.

“May track record na kami at hindi kami pumapalya sa pagbibigay ng ka­rangalan sa bansa,” sabi ni Cristobal sa pagdalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura, Manila.

“Mabigat na laban sa 20­10 Asian Games lalo na sa China pero naniniwa­la akong kaya naming manalo ng kahit isang ginto,” dagdag pa nito.

Pero bago opisyal na mapasama sa pambansang delegasyon, sasailalim muna sa time trial ang dalawang koponan sa Lunes sa La Mesa Dam sa Quezon City.

Kailangang maabot ng men’s team ang tiyempong 44.74 segundo sa 200-meter, 1:55.70 sa 500m at 5:07 sa 1000m, habang ang qualifying time sa women’s category ay 49.07 segundo, 2:06.85 at 6 minuto sa 200m, 500m at 1000m distansya, ayon sa pagkakasunod.

ASIAN GAMES

CRISTOBAL

CZECH RE

DRAGON BOAT CHAMPIONSHIPS

DRAGON BOAT FEDERATION

LA MESA DAM

MARCIA CRISTOBAL

PADRE FAURA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with