PSC chairman Garcia todo suporta sa mga Asiad-bound athletes

MANILA, Philippines - Ayaw na ni Philippine Sports Commission (PSC) chair­man Richie Garcia na madagdagan pa ang mga national athletes na nagkaroon ng injury bago ang 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Matatandaang hindi na naisama sa national de­legation para sa 2010 Guang­zhou Asiad sina taekwondo jins Toni Rivero at Nicole Mapilisan matapos magkaroon ng ACL (anterior cruciate ligament) injury.

“So we’re really monitoring the training of the athletes at ang health nila is also very important na kung minsan ay ready na ‘yung athletes natin tapos biglang nagkasakit o naaksidente o napilayan,” wika kahapon ni Garcia sa panayam ng DZSR Sports Radio. “So we hope all of these will not happen.”

Kumpiyansa si Garcia na mapapaganda ng Team Philippines ang ipinakita noong 2006 Asian Games sa Doha, Qatar.

Sa naturang edisyon ng quadrennial meet, nag-uwi ang delegasyon ng kabuuang apat na gold, anim na silver at siyam na bronze medals.

Kaya naman solido ang suporta ng sports commission sa kahilingan ng mga National Sports Association (NSA) na humihingi ng ma­laking pondo para sa sports equipment na ga­ga­­­mitin ng kanilang mga at­leta para sa 2010 Asian Games.

“We are still reviewing ‘yung mga equipments na hinihingi ng mga NSAs kasi merong mga NSAs na dalawang atleta lang ang equipment na hinihingi ay more than a million pesos na,” ani Garcia. “So parang ang nire-request nila is for the whole training pool na nila rather than just the partticipation of their athletes for the Asian Games.”

Nilinaw rin ng PSC chief na ang mga sports equipment ay para lamang sa mga atletang lalahok sa 2010 Guangzhou Asiad.

Samantala, ikinainis ni Garcia ang sinasabing pagiging ‘junket’ ng grupo ng PSC at Philippine Olympic Committee (POC) para sa World Olympic Sport Convention sa Oktubre18-24 sa Mexico.

“Kung mayroon naman di­yan na nagsabi na junket ito, ‘yong nagsabi niyan ay walang alam kung gaano ka­importante itong convention na ito,” ani Garcia.

Show comments