San Mateo Spurs kampeon sa 1st PGBL Willie Caballes Cup
MANILA, Philippines - Ginamit ang kanilang matinding depensa sa final canto at nakakuha ng malaking produksyon kay Eric Uy, tinalo ng dehadong San Mateo Spurs ang paboritong Say Chiz Smileys, 60-54, para angkinin ang 1st PGBL Willie Caballes Cup kamakailan sa Rizal Memorial Coliseum.
Nagtala si Uy ng 24 points, 5 assists, 3 steals at 3 rebounds para pagbidahan ang Spurs.
Pormal na iniabot ni Philippine Sportswriters Association president Ted Melendres at ng pamilya ng namayapang si dating Manila Bulletin assistant editor Willie Caballes ang mga tropeo sa nagkampeong Spurs, sa sumegundang Smileys at sa tumerserang JK Tigerscribes.
San Mateo Spurs 60 - Uy 24, Lagunzad 10, Urquiola 7, Orellana 5, Bolando 4, Villar 4, Ramos J. 2, Santiago 2, Caluag 2, Cadayona 0, Perena 0.
Say Chiz Smileys 54 - Terrado R. 14, Rubio 13, Sevilla 8, Lumauag 6, Tiu 5, Lucas 3, Manicad 2, Giongco 2, Galvez 1, Ochoa 0, Cordero 0, Ramos G. 0.
Quarterscores: 13-19; 31-29; 49-39; 60-54.
- Latest
- Trending